Ngayong ika-12 ng Hunyo, buong pagmamalaki nating ginugunita ang kalayaan ng ating bayan at binibigyang-pugay ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kinabukasan. ![]()
Kasabay ng ating pagdiriwang na ito, kinikilala rin natin ang sipag, dedikasyon, at malasakit ng bawat manggagawang Pilipino — mga masisipag at mahusay na mga guro, empleyado, magsasaka, mangingisda, manggagawa, kawani ng pamahalaan, kasundaluhan, kapulisan, barangay officials at lahat ng mamamayang patuloy na nag-aambag sa pag-unlad ng ating bansa at komunidad. ![]()
Nawa’y patuloy na magsilbing inspirasyon ang diwa ng kalayaan upang lalo pa nating mahalin ang ating bayan at sama-samang itaguyod ang isang mas maunlad, mapayapa, at nagkakaisang Bayan ng Pasacao.
Maligayang Araw ng Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas! ![]()











